41% target benepisyaryo, nakatanggap na ng ayuda – DSWD

Umabot na sa 41% ng mga target na benepisyaryo sa Metro Manila ang nakatanggap na ng ayuda sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Glenda Relova, mahigit 4 milyong indibidwal na sa bansa ang nakatanggap ng ayuda.

Katumbas ito ng mahigit P4 billion pondo mula sa National Government.


Bukos sa National Capital Region (NCR), nakatanggap na rin ng ayuda ang mga residente sa Iloilo province.

Mas kakaunti naman ang reklamong natanggap ng DSWD kaugnay sa pamamahagi ng ayuda, kumpara noong unang isinailalim sa ECQ ang ilang bahagi ng bansa.

Facebook Comments