Cauayan City, Isabela- Tumaas pa lalo sa 2,537 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela matapos madagdagan ng 410 na panibagong positibong kaso.
Sa datos ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw, Enero 24, 2022, nakapagtala ang probinsya ng 410 na panibagong dinapuan ng COVID-19; 292 na bagong gumaling at lima (5) na namatay.
Umaabot naman sa 65,419 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Isabela kung saan ang 60,727 rito ay gumaling habang ang 2,143 ay naitalang nasawi.
Samantala, nangunguna pa rin ang Santiago City sa Isabela sa may pinakamaraming active cases na aabot sa 595, pumapangalawa ang Cauayan City na may 225 at pumapangatlo ang City of Ilagan na may 176 na aktibong kaso.
Naitala naman sa bayan ng Divilacan at Maconacon ang pinakamababang bilang ng aktibong kaso na mayroon lamang tig-dalawang kaso.
Facebook Comments