415,000 AstraZeneca vaccines, inaasahang darating sa bansa sa August 2

75

Nasa 415,000 doses ng AstraZeneca vaccines ang darating sa Pilipinas simula sa August 2.

Ayon kay British Ambassador to Manila Daniel Pruce, ang nasabing doses ay suporta ng United Kingdom (UK) sa vaccine rollout program ng Pilipinas.


Nais nilang matulungan ang mga bansa na mabakunahan ang mas marami pang tao.

Inaasahang aalis ang batch ng AstraZeneca doses sa UK ngayong linggo.

Nasa 100 million vaccines ang ido-donate ng UK sa mga mahihirap na bansa at 80 milyong doses ay mapupunta sa COVAX Facility.

Facebook Comments