Tinatayang 415,000 doses ng COVID-19 vaccines ang nakalaan para sa mga pulis at sundalo sa buong bansa.
Ang mahigit 400,000 na bakuna ay mula sa kadarating lamang na bakuna na AstraZeneca ng United Kingdom.
Sa pagdinig ng Committee on Health ay natanong ni Nueva Ecija Rep. Estrellita Suansing si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., kung nabakunahan na laban sa COVID-19 ang mga pulis na ide-deploy sa National Capital Region (NCR) ngayong Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Batay sa nakalap na report ng kongresista, nasa 50% pa lamang ng mga pulis ang nabakunahan.
Pero ayon kay Galvez, mayroong AstraZeneca vaccines na dumating noong Lunes.
Mula naman sa higit 400,000 doses, hahatiin ito sa para sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).