Masayang ipinagdiwang ng mgamag-aaral ng Special Education Center ng Dipolog City ang 41stNational Disasbility Prevention and Rehabilitation Week na may temang “Lokal naPamahalaan: Kabalikat sa Pagtupad ng Karapatan ng mga Taong May Kapansanan” nanagtapos kamakailan lamang.
Highlight sa isang linggongpagdiriwang ang iba’t ibang aktibidad gaya ng Feeding Program for learners withSpecial Education Needs, Livelihood Training, medical and dental check-up,field trip, family day, sports day, academic contect at ang Search for a Star.
Sa mensahe ni Dipolog CityVice-mayor Horacio Velasco, pinuri nito ang mga magulang at guro dahil sakanilang dedikasyon, tulong at suporta sa mga batang may special needs nanangangailangan ng pagmamahal sa pamilya at komunidad.
Nangako ang opisyal, na angpamahalaang lokal ng Dipolog ay patuloy sa pagbibigay sa kanila ng suporta paramas mapalago pa ang sektor ng PWDs sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mgaprograma at serbisyo na makakatulong sa kanila.
Ang pagdiriwang ng NationalDisability Prevention and Rehabilitation Week sa syudad ay pinangungunahan ngCity Government ng Dipolog sa pamamagitan ng City Social Welfare andDevelopment Office (CSWDO). -30- (Mardy D. Libres)
41st National Disability Prevention and Rehabilitation Week masayang ipinagdiwang ng mga kabataang PWDs sa Dipolog
Facebook Comments