
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa ng 42 bagong Generals at Flag Officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ang mga bagong opisyal ay nagmula sa Philippine Army, Philippine Air Force, at Philippine Navy, kabilang ang mga nagtapos sa Foreign Pre-Commissioned Training Institutions.
Nauna nang pinangunahan ng Pangulo ang panunumpa ng 35 bagong AFP officers.
Sa nasabing okasyon, iginiit ng Pangulo ang patuloy na pagpapahalaga ng Sandatahang Lakas sa kanilang mga opisyal at sundalo, at binigyang-diin na mananatiling matatag ang direksyon ng hukbo hanggang pinanghahawakan ang paglilingkod nang may dangal at katapatan.
Facebook Comments









