Nakapagtala ng 42 bagong kaso ng HIV sa La Union ayon sa ulat ng DOH–Ilocos Center for Health Development Regional Epidemiology and Surveillance Unit sa unang kwarter ng 2025.
Ayon sa tanggapan, 425 people living with HIV sa lalawigan ang patuloy na tumatanggap ng kaukulang gamot hanggang Abril ngayong taon.
Mula 1984 hanggang sa kasalukuyan, nasa 697 na kaso ang naitala sa lalawigan at tinukoy na nananatiling pangunahing pinagmumulan ng transmission ay mula sa male-to-male sexual contact.
Dahil dito, desidido ang Pamahalaang Panlalawigan na paigtingin ang mga hakbang upang mapigilan ang pagtaas ng kaso at mapuksa ang stigma na nagdudulot ng maling impormasyon upang mawalan ng tiwala sa gamot ang mga pasyente.
Sa isang inihaing panukala, target na matutukan ang adbokasiya kontra HIV/AIDS sa mga kabataan at ilan pang high-risk na grupo.
Inaasahan na magbubunga ang naturang panukala upang hindi malagay sa alanganin ang kalusugan ng mga susunod na henerasyon dahil sa naturang sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









