42 Biktima ng ‘Firecrackers Related-Injuries’, Naitala ng DOH Region 2

*Cauayan City, Isabela*- Pumalo na 42 katao ang mga naitalang biktima ng firecrackers related injuries ng Department of Health Region 2 simula December 21 hanggang Enero 2.

Batay sa datos ng DOH, mas mataas ang insidente ng mga nabiktima ng paputok nitong nagdaang taong 2019 hanggang Enero 2 ngayong taon kung saan kabuuang 40 percent kumpara noong 2018 na 30 percent lang.

Ayon pa sa tanggapan, karamihan sa mga biktima ay kalalakihan o 23.55 percent na may edad 4 na taong gulang hanggang 81 taong gulang habang ang higit na apektado ay mga edad 21-25 anyos o katumbas ng 8.15 percent at naitala ang may pinakamataas na insidente sa Lalawigan ng Isabela.


Ilan sa mga biktima ay pawang tinamaan ng paputok sa mata, leeg, dibdib, genital area habang pinakamataas ang bilang ng mga naputukan sa kamay.

Wlaa namang naitalang mga biktima ng paputok sa Lalawigan ng Quirino at Batanes.

Facebook Comments