Umabot na sa 42 katao ang naaresto dahil sa paggamit at pagbebenta ng iligal na paputok simula nang magsimula ang holiday season.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief PCol. Redrico Maranan na ang 42 indibidwal na naaresto ay nakasuhan na.
Batay pa aniya sa kanilang latest data, umabot na sa 2.4 milyong pisong halaga ng iligal na paputok ang nakumpiska ng PNP sa pagsasagawa ng mga operasyon.
Posible ayon kay Maranan na madagdagan pa ang bilang ng mga nahuli at nakumpiskang iligal na paputok, dahil hanggang January 6 pa sila magsasagawa ng operasyon dahil hanggang January 6 pa aniya naka-full alert status ang PNP para sa pagtiyak na magiging payapa at maayos ang pagdiriwang nang buong holiday season.