CAUAYAN CITY- Hindi bababa sa apatnapung indibidwal ang na-stranded sa bayan ng Tinglayan, Kalinga matapos ang nangyaring landslide sa Luplupan, Tinglayan, Kalinga.
Ayon kay MDRRMO Clemente Basing -at, dinala sa evacuation center ang mga na-stranded na indibidwal kung saan tinutugunan ng Lokal na Pamahalaan ng Tinglayan ang kanilang mga pangangailangan.
Aniya, mabilis sanang natapos ang clearing operation na isinagawa sa lugar ngunit kinakailangan pang hakutin ito at itapon ang mga debri ng gumuhong lupa sa ibang lugar dahil matatabunan ang mga bukirin na nasa paanan nito.
Kaugnay nito, patuloy naman ang ginagawang clearing operation sa nasabing lugar upang mabuksan at magamit agad ang natabunang kalsada.
Facebook Comments