42 New COVID-19 Cases, Naitala sa Region 2

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng 42 na panibagong bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa buong Lambak ng Cagayan.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Region 2, mula sa 42 new confirmed cases, labing tatlo (13) ang naitala sa probinsya ng Cagayan, dalawampu’t walo (28) sa Isabela, at isa (1) sa Santiago City.

Kasabay ng mga bagong postibong kaso, idineklara namang fully recovered ang walo (8) na COVID-19 patients sa Rehiyon; isa (1) sa Cagayan, dalawa (2) sa Isabela, tatlo (3) sa Santiago City at dalawa (2) sa Nueva Vizcaya.


Kaugnay nito, umabot sa 379 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa rehiyon na nagdadala sa total confirmed cases na 3, 937.

Mula sa 3,937, tumaas naman sa 3,498 ang gumaling at 60 ang nasawi.

Facebook Comments