42 ospital sa Metro Manila, nasa critical level na dahil sa pagdami ng mga COVID-19 patients – DOH

Aabot na sa 42 mula sa halos 160 ospital sa Metro Manila ang nasa critical level na sa dami ng mga COVID-19 patients.

Ayon sa Department of Health, kabilang dito ang Pasay City General Hospital na umabot pa sa pagpapatigil ng operasyon ng kanilang Emergency Room matapos ang pagdagsa ng mga pasyente.

Sa kabila nito, nasa 2 na lamang ang bakante nilang COVID-19 beds at nananatiling fully occupied ang COVID-19 ICU beds.


Samantala, bukod sa Metro Manila ay nakakaranas na rin ng pagkapuno ng mga kapasidad ang iba’t ibang ospital sa mga probinsiya ngayong nasa 146,510 ang nananatiling active cases sa bansa batay sa datos kahapon ng DOH.

Facebook Comments