42 paaralan, hindi nakapagbukas ng klase ngayong araw — DepEd

Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na 42 mga paaralan ang hindi nakapagbukas ng klase ngayong araw.

Ayon sa DepEd, ang naturang mga paaralan ay mula sa Malabon City kung saan ideneklara ngayong araw ang suspensyon ng klase matapos na muling tumaas ang tubig sa lugar.

Kinumpirma naman ng Education Department na tuloy-tuloy na ang klase sa 615 na mga paaralan na nagbukas noong Biyernes, August 2.


Ang naturang mga paaralan ay mula sa National Capital Region, Region 1, Region 3 at Region 4-A.

Una nang naantala ang pagbubukas ng klase sa naturang mga rehiyon matapos na manalasa ang Bagyong Carina.

Facebook Comments