Higit 40 katao ang nasawi habang 60 ang naitalang sugatan matapos masunog ang isang ospital sa Iraq.
Ayon sa mga otoridad, isang sumabog na oxygen tank ang tinuturong sanhi ng pagkasunog ng COVID-19 ward sa Nassiriya, Iraq.
Agad namang nagpatawag ng pulong si Prime Minister Mustafa Al-Kadhimi kasama ng mga minister at top security commander upang pag-usapan ang trahedya.
Samantala, matatandaang nito lamang Abril ay nagkaroon din ng isang oxygen tank explosion sa Baghdad na ikinasawi ng 82 na katao at ikinasugat ng 110 na indibidwal.
Facebook Comments