42°C hanggang 45°C na heat index, posibleng maramdaman sa dalawampung lugar sa bansa bukas, ayon sa PAGASA-DOST

Inaasahang maitatala sa dalawampung lugar sa bansa ang 42°C hanggang 45°C na delikadong lebel ng heat index o damang init bukas.

Sa huling monitoring ng PAGASA-DOST, kabilang ang Dagupan City, Pangasinan at Aborlan, Palawan sa posibleng makaranas ng 45°C na damang init, habang 44°C sa Puerto Princesa City, Palawan.

Samantala, nasa 43°C naman ang inaasahang mararamdaman sa:


– Bacnotan, La Union
– Tuguegarao, Cagayan
– Sangley Point, Cavite
– Ambulong, Tanauan Batangas
– Iloilo City
– Dumangas, Iloilo
– Catarman, Northern Samar at
– Guiuan, Eastern Samar.

Posibleng maitala rin ang 42°C na damang init sa:

– Batac, Ilocos Norte
– Aparri, Cagayan
– Echague, Isabela
– Coron, Palawan
– San Jose, Occidental Mindoro
– Virac, Catanduanes
– Pili, Camarines Sur
– Roxas City, Capiz
– Cotabato City, Maguindanao

Facebook Comments