43-anyos na Lalaki, Timbog sa Pagbebenta ng Shabu; Granada, Kumpiskado

106

Cauayan City, Isabela- Arestado ang 43-anyos na lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad pasado alas-4:00 ng hapon kahapon sa Brgy. San Juan Cabagan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Jimmy Garces, may-asawa, tubong Dumaguete City, Negros Occidental na kasalukuyang naninirahan sa bayan ng Cabagan.


Positibong napagbentahan ng suspek ng isang pakete ng hinihinalang droga ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P500.00 na buy bust money na nagresulta ng pagkaaresto sa kanya.

Bukod dito, narekober din sa dala-dalang pouch bag ng suspek ang isang (1) hand grenade na nakabalot sa electrical tape.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002.

Facebook Comments