43 Chinese at Malaysian na naaresto dahil sa pagkakasangkot sa kidnap for ransom syndicate kinasuhan na; modus ng mga ito ibinulgar ng PNP

Manila, Philippines – Iniharap na kay PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa ang naarestong 43 Chinese at Malaysian na sangkot sa loan shark syndicate at kidnap for ransom syndicate dito sa kampo krame.

Apatnaput isa rito ay mga Chinese habang dalawa ay Malaysian.

Naaresto ang mga ito matapos tangayin ang isang Singaporean na kinilalang si Wu Yan 48 anyos.


July 17 habang naglalaro ng Casino si Yan sa Pasay nilapitan at kinaibigan sya ng dalawang Malaysian na kinilalang sina Ng Yu Meng at Goh Kok Keong hanggang sa niyaya syang pumunta sa isang pang casino sa Pasay.

Pero sa halip na dalhin sa isa pang casino dinala ng mga suspek ang biktima sa isang condominium sa Roxas Boulevard sa Parañaque City at humingi sila ng 180, 000 US dollars ransom money para maibalik ito sa kanyang pamilya.

Sinabi naman ni anti-kidnapping group head sr supt glenn dumlao na modus ng mga sindikatong ito para makapang biktima ay kakaibiganin ang mga natatalo sa casino at yayaing lumipat sa ibang casino para maglaro pero kapag nasa sasakyan na ay tuluyan na nilang itong kikidnapin.

Kahapon ay nai-inquest na ang mga suspek na ito na ngayon nahaharap na sa kasong kidnap for ransom and serious illegal detention.

Facebook Comments