Inihahanda na ng Philippine National Police (PNP), ang mga kasong isasampa laban sa pitong indibidwal na sangkot sa iligal na pag-detain sa 40 Indonesian at tatlong Malaysian national.
Ayon kay Southern Police District (SPD) Director Police Brig. Kirby John Kraft, haharap sa kasong paglabag sa Sec. 267 ng RA 1084 o Serious Illegal Detention at RA 9208 o Elexpanded Anti-trafficking ang mga suspek na kinabibilangan ng tatlong Chinese national, tatlong Indonesian national at isang Malaysian national na naaresto sa landport building na matatagpuan sa Barangay Tambo, Parañaque City.
Base sa inisyal na report, nagsagawa ng rescue operation ang PNP kasama si Muhammad Alfian Darmawan, Protocol and Consular Affairs Embassy ng Republic of Indonesia na nagresulta sa pagkakasagip sa mga biktima at pagkakahuli sa mga suspek.
Agad namang dinala ang mga suspek at biktima sa opisina ng District Special Operations Unit para sa kaukulang disposition at imbestigasyon.