Magsisilbing karagdagang workforce ang mga ito sa Abra Provincial Hospital bukas, Agosto 3, 2022.
Ayon sa Cagayan Provincial Information Office, inihayag ni Medical Center Chief Dr. Glenn Mathew Baggao na magpapadala ng tulong ang ospital para tugunan ang kakulangan ng mga health workers at suplay ng gamot dahil sa pagdami ng mga pasyenteng biktima ng sakuna.
Binubuo ito ng mga doktor mula sa family medicine, surgery, orthopedic, at psychiatric, ENT doctors, radiologists, at obstetrician.
Kasama rin ng grupo ang mga nurses, Health Emergency Management (HEM), ilang staff ng CVMC.
Magbibigay rin ng medical at surgical supplies, mga gamot, anesthesia machine, at dalawang ambulansya para magamit ng ospital.
Tiniyak naman ni Dr. Baggao na hindi makakaapekto sa operasyon ng CVMC ang gagawing pagpapadala ng medical staff at maliit na porsyento lamang ito sa mahigit 2,000 kawani ng ospital.