43 Milyon mula sa Malacañang, Ipinamahagi sa Probinsya ng Cagayan

*Cauayan City, Isabela*- Personal na ipinagkaloob ni Senator Bong Go ang Calamity Assistance mula kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at labing isang bayan sa probinsya.

Iniabot ito ng Senador kasama si Commissioner Greco Belgica ng Presidential Anti- Corruption Commision, Usec. Aimee Neri ng Department of Social Walfare and Development at si Usec Michael Dino ng Presidential Assistant for the Visayas.

Tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang sampung milyong piso habang tatlong milyong piso ang ipinamahagi sa mga Bayan ng Abulug, Ballesteros, Pamplona, Sanchez Mira, Allacapan, Lasam, Sta Praxedes, Tuao, Claveria, Aparri, at Tuguegarao.


Humiling naman ng suporta si Sen. Bong Go sa laban si Pangulong Duterte sa korupsiyon, kriminalidad at droga para sa ikaaangat pa ng pamumuhay ng bawat Pilipino.

Maliban dito, nagpasaya naman ang aktor na sina Philip Salvador at Cesar Montano na kasama ni Sen. Go sa pamamahagi ng calamity assistance.

Facebook Comments