43 na Chinese na POGO workers na ipina-deport, blacklisted na sa Pilipinas

Hindi na maaring makapasok sa Pilipinas ang apatnaput tatlong Chinese na POGO workers na ipinatapon pabalik ng China ng Presidential Anti-Organized Crime.

Ito ay matapos ilagay sa blacklist ng Bureau of Immigration ang mga dayuhan.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, nilabag ng 43 Chinese ang terms and conditions ng visa na ipinagkaloob sa kanila ng Pilipinas.


Ayon kay Tansingco, banta na sa public interest ang mga dayuhan.

Nakipag-uugnayan na rin ngayon ang BI sa iba pang ahensya ng gobyerno na bantayan ang iba pang undesirable alien na umaabuso sa hospitality ng Pilipinas at nagsasagawa ng illegal na aktibidad.

Facebook Comments