Umabot lamang sa 16,600 mula sa 43,600 applicants ang nagkwalipika bilang contact tracers.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, hindi ititigil ang hiring hanggang hindi naaabot ang target contract tracers na nasa 50,000.
Dagdag pa ni Año, ang mga contact tracers ay makakatanggap ng ₱18,000 monthly salary at sila ang magtutunton sa mga close contacts o mga na-expose sa COVID-19 patients.
Iginiit din ni Año na hindi kailangang ilagay ang lahat ng COVID-19 patients sa state-accredited isolation facilities.
Ang mga nagkaroon ng close contact sa COVID-19 individuals ay dapat i-isolate at i-test para malaman kung maari ba silang lumabas sa kanilang bahay.
Nabatid na pinapayagan ang home quarantine sa mga pasyenteng mayroong comorbidities at mayroong sariling kwarto at sariling banyo.