436 billion pesos, target utangin ng Duterte administration ngayong taon

Aabot sa kabuuang 436 billion pesos ang kabuuang pondo na target utangin ng Duterte administration ngayong taon.

Sa interview ng RMN Manila kay Department of Finance Assistant Secretary Tony Lambino, ito ay magmumula sa Asian Development Bank, World Bank, Asian Infrastructure Investment Bank at iba pang development partners.

Ayon kay Lambino, ang nasabing pondo ay gagamitin para sa pagtugon sa Coronavirus pandemic.


Bagaman, tila ito na ang malaking pondo na inutang ng gobyerno sa nakalipas na limang buwan, sinabi ni Lambino na mababa naman ang nakuhang interest rate ng bansa.

Nakatulong din aniya ang magandang performance ng ekonomiya ng bansa para makakuha ng mababang interest rate at itaas ang credit rating at investment grade rating ng Pilipinas.

Kasabay nito, tiniyak ng DOF sa publiko na maayos na ginagastos ng pamahalaan ang bilyong pondo sa pagtugon sa Coronavirus pandemic.

Sa ngayon ay nasa mahigit 355 billion pesos na ang nagastos ng gobyerno.

Facebook Comments