Madami pa rin ang nabigyan at nabiyayaan ng DZXL 558 Radyo Trabaho at RMN foundation ng special package na naglalaman ng produkto ng ACS.
Isa sa mga nabiyayaan ay si Romano Dinio, 44-anyos, taga-Makati City at nagtatrabaho bilang merchandiser, at nanghihiram pa ng bisikleta para lang makapunta sa kanyang trabaho sa Mandaluyong City.
Hinahangad niya na manalo sa ‘Bisikle -Trabaho’ promo ng Radyo Trabaho upang hindi na siya manghiram ng bisikleta at mapadali ang kanyang pagtungo sa kaniyang pinapasukan.
Tuloy pa rin ang pag-ikot ng Radyo Trabaho Team sa Pateros para mamahagi pa ng special package na magbibigay ng ngiti, saya at pag-asa sa mga mananalo ng ‘Bisikle-Trabaho’.
Facebook Comments