44 metric tons ng basura, nakolekta sa paligid ng Quiapo nitong Semana Santa

Umabot sa 44 metric tons ng basura ang nakolekta ng Manila local government unit (LGU) sa bisinidad ng Quiapo Church nitong Mahal na Araw.

Ito ay mula sa kabuuang 16 truckloads ng mga basura na nakolekta sa paligid ng Quiapo Church.

Partikular na pinakamaraming nakolektang basura sa paligid ng Quiapo noong Biyernes Santo.


Noong Biyernes Santo kasi dumagsa ang pinakamaraming deboto nitong Holy Week.

Facebook Comments