
44 mga Pinoy na biktima ng human trafficking ang dumating sa bansa.
Ayon kay Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac, 9 sa human trafficking victims ay mula sa Nigeria habang 35 naman na human trafficking victims ang mula sa Cambodia.
Nagbabala naman ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko na maging maingat na sa mga nag-aalok ng trabaho sa online.
Ayon sa BI, sa kabila kasi ng mga kampanya laban sa human trafficking, marami pa ring mga Pinoy ang nabibiktima.
Kadalasan sa mga biktima ay nasa edad 20 at late 30’s.
Facebook Comments










