44 milyong COVID-19 vaccines mula sa COVAX, posibleng mawala dahil sa pagsingit ng ilang opisyal – Palasyo

Nababahala ang Malakanyang na tuluyang mawala ang 44 milyong doses ng COVID-19 vaccines mula sa COVAX Facility.

Kasunod ito ng pagsingit ng mga alkalde at iba pang government official sa pila ng mga mababakunahan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw na nakasaad sa kondisyon ng World Health Organization (WHO) na una sa pila ng pagbabakuna ang health workers.


Aniya, sa ngayon ay limitado pa ang supply ng bakuna kaya kailangan munang maprotektahan ang healthcare system sa bansa laban sa pandemya.

Kung hindi aniya ito masusunod, mawawala ang mga bakunang matatanggap sana ng Pilipinas.

Umapela rin si Roque na tigilan na sana ng mga pulitiko ang pagpapaunang mabakunahan.

“Mga mayor, tama na po iyan ha. Kapag iyan ay nagpatuloy, 44 million ang dosages ng COVAX Facility vaccines ang pupuwedeng mawala sa atin ‘no. So please, we ask for your indulgence. At para po walang magsasabi na nagkaroon sila ng maling akala, sinabi na po namin na naitaas ang priority ng mga mayor to A4 – kasama na po sila ng mga economic frontliners, ng mga sundalo ‘no. Pero sa ngayon po, A1 pa lang po ang pinababakunahan natin at huwag po kayong mag-jump ng line,” ani Roque.

Facebook Comments