Nasa 44 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa ang nasayang matapos ma-expire at masayang.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 24 milyong doses ang lumagpas sa itinakda nilang shelf life habang 3.6 milyong doses ang nasira bunsod ng kalamidad, pagbago sa temperatura at pag-iba ng kulay ng bakuna.
Patuloy namang tinutukoy ng kagawaran ang naging sanhi ng pagkasayang sa natitirang bilang.
Sinabi naman ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na halos 75% ng nasirang bakuna ay mula sa binili ng private sector at lokal na pamahalaan.
Nasa apat hanggang limang porsyento naman ang mula sa donasyon habang dalawang porsyento lamang ang mula sa binili ng gobyerno.
Ayon kay Vergeire, lumalabas na ang 44 milyong doses ng bakuna ay 17.5% ng kabuuang bilang ng bakunang natanggap ng bansa.