Hindi bababa sa 44 na close contacts ng unang kaso ng Omicron BA 2.12 subvariant ang natukoy ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, siyam sa mga close contact ng dayuhang babae mula Finland ay naitala sa Quezon City habang lima sa Benguet.
Lahat sila ay mahigpit na binabantayan ng DOH habang ang iba ay nagnegatibo sa COVID-19 testing.
30 “near contacts” din sa eroplanong sinakyan ng dayuhan ang natukoy ng ahensya.
Karamihan sa kanila ay fully vaccinated at sa ngayon, wala ‘ni isa sa kanila ang nakararanas ng sintomas ng COVID-19.
Samantala, batay sa datos ng OCTA Research Team, 13 ang 7-day average COVID-19 cases sa Quezon City pero kahapon lamang ay nakapagtala ang lungsod ng 42 bagong kaso.
Abril 2 nang dumating sa Pilipinas ang 52-anyos na babaeng Finnish national na bumisita sa isang unibersidad sa Quezon City saka nagtungo sa Baguio para magsagawa ng seminar.
Magaling na ang foreign national at nakabalik na sa kanyang bansa noong April 21.