44 NA ISABELEÑO, NAGTAPOS NA SA NC II CARPENTRY AT DRESSMAKING

CAUAYAN CITY – Nagtapos na sa National Certificates (NC) II sa carpentry at dressmaking ang 44 na Isabeleño.

Ginanap ang seremonya ng kanilang pagtatapos sa Isabela Rattan Processing Shared Service Facility (IRPSSF) sa Brgy. Cabisera 10, City of Ilagan, Isabela.

Sumailalaim sa 38 araw na pagsasanay ang 24 na carpentry trainees habang 35 araw naman ang pagsasanay ng dressmaking trainees.


Ang pagsasanay ay inilunsad sa ilalim ng Provincial Government of Isabela’s (PGI) sa pakikipagtulungan ng TESDA at DTI.

Malaking tulong umano ang mga skills na natutunan nila sa pagsasanay dahil maaari nila itong magamit sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

Facebook Comments