
Sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot sa 44 na mga kalsada at 3 tulay ang hindi madaanan dulot ng Bagyong Ada.
Kung saan ang mga naitalang ito ay mula sa Region 5, partikular na sa Albay, Camarines Sur at Catanduanes.
Samantala, nasa kabuuang 10,249 na indibidwal o katumbas ng 7,170 pamilya ang naapektuhan ng nasabing bagyo mula sa Region 5 at CARAGA.
Habang 297 katao o 120 na pamilya na lang ang nanatili sa mga evacuation centers.
Sa kasamaang palad, 2 naman ang naiulat na nasawi mula sa naging landslide sa Matnog, Sorsogon.
Ayon pa sa ulat ng ahensya,nasa 68 lugar naman ang naitalang nakaranas ng pagbaha sa Region 5 at CARAGA.
Samantala, patuloy naman ang isinasagawang assessment sa kabuuang halaga ng mga nasirang mga imprastraktura pati sa agrikultura ng mga naapektuhang lugar.










