44 Patay Sa Pag-Atake Ng Mga Armadong Lalaki Sa Isang Police Training Center Sa Pakistan

3

BALUCHISTA, PAKISTAN – Apatnapu’t apat (44) na Police trainees ang patay sa pag-atake ng mga armadong lalaki sa isang police training center sa Baluchistan, Pakistan.Bukod sa mga nasawi, nasa 106 ang naitalang sugatan at karamihan sa kanila ay pawang police trainees habang ang iba ay para-military troops.Nabatid na pinasok ng tatlong lalaking suspek ang Academy at hinostage ang aabot sa dalawang daang police recruits.Nagpasabog ng explosive vests ang mga suspek na ikinasawi ng maraming trainees.

Facebook Comments