Umaabot na sa 448 katao ang naaresto ng mga otoridad sa Pasay City dahil sa paglabag sa curfew.
Ayon kay Pasay Police Chief Col. Cesar Paday-os, karamihan sa mga nahuli nila ay nagpapalusot at kunwari may bibilhin sa labas habang ang iba naman ay hindi raw nila alam na may curfew.
Lumalabas aniya sa imbestigasyon nila na gusto lamang talaga lumabas o gumala ng mga naarestong residente.
Ang mga naaresto sa first offense ay ire-record muna sa blotter ng barangay kung saan sila nadakip.
Habang sa second offense, sila ay pagmumultahin ng ₱3,000 at sa third offense ay multang ₱5,000.
Ang mga naaresto ay bibigyan ng citation tickets mula sa Office of the City Treasurer at kailangan nila itong bayaran sa loob ng 24 hours para hindi sila masampahan ng kasong kriminal.
Una na ring naaresto sa Pasay City ang 2,501 quarantine violators mula noong pumasok ang Marso.