45 alkalde, sinampahan ng kaso sa Ombudsman

Sinampahan ng kaso ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang halos 45 alkalde sa Office of the Ombudsman dahil sa kabiguang paganahin ang Local Anti-Drug Abuse Councils.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año – ang reklamo laban sa 25 alkalde ay inihain kahapon (March 20), habang ang unang batch ng complaint laban sa 20 alkalde ay isinampa na nitong March 14.

Nahaharap aniya ang mga ito sa grave misconduct at gross dereliction of duty.


Ang mga alkaldeng nahaharap sa reklamo ay nasa mga sumusunod na rehiyon:

15 – Bicol Region

7 – Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)

5 – Cordillera Administrative Region (Abra, Ifugao)

5 – Mimaropa

4 – Central Visayas

3 – Calabarzon

2 – Cagayan Valley

1 – Eastern Visayas

Nabatid na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa 46 na pulitikong sangkot sa ilegal na droga.

Facebook Comments