45 aplikante, maswerteng nabigyan ng trabaho sa matagumpay na DZXL Radyo Trabaho 1st Anniversary Job Fair

Aabot sa 45 aplikante ang naging mapalad na magkaroon ng trabaho matapos magtungo sa matagumpay na anniversary job fair ng DZXL Radyo Trabaho kahapon.

Sa datos ng RT team, aabot sa 306 aplikante ang nagparehistro kung saan 135 ang lalaki, 132 ang babae habang 39 ang senior citizen at PWDs.

Isa sa mga maswerteng nabigyan ng trabaho bilang cook sa isang restaurant ang 55 taong gulang na si Alexander Sacdalan ng Quezon City.


Sa interview ng RMN Manila – sinabi ni mang Sacdalan na masaya siya sa tulong na naibigay ng DZXL Radyo Trabaho sa kabila ng kaniyang edad.

Payo nito sa mga iba pang naghahanap ng trabaho – maging matiyaga lang at huwag mawalan ng pag-asa.

Sinabi naman ni DZXL station manager Buddy Oberas na hindi magiging matagumpay ang Radyo Trabaho Job Fair kung walang suportang ibinigay ang mahigit 20 mga employers ng iba’t ibang ahensiya upang mabigyan ng trabaho ang walang hanapbuhay.

Nag-paabot din ng pasasalamat si Oberas sa lahat ng mga aplikanteng nagtiwala sa Radyo Trabaho Job Fair at  dumagsa na galing pa sa malalayong lugar upang makipagsapalaran na magkaroon ng trabaho at sa hindi inaasahang pagkakataon ay pinalad na mabigyan kaagad ng trabaho on the spot.

Tiwala naman ang Radyo Trabaho team na sa mga susunod na anibersaryo ay mas hihigitan pa nila ang kanilang naibibigay na serbisyo sa taongbayan upang mabago ang takbo ng buhay ng bawat indibidwal na walang trabaho.

Facebook Comments