Marawi City – Nagpadala na ang Philippine National Police Crime Laboratory ng tatlong batches ng personnel para magsagawa ng identification sa mga nasawi sa giyera sa Marawi City.
Ayon kay police Supt. Ramos Bergonio, chief operations Division ng PNP crime laboratory, kabilang sa mga dineploy na sa Marawi ay ang kanilang medico legal officers, odontoligists, DNA analysts, finger print analyst examiners at mga photographers.
Sa kasalukuyan, 45 na bangkay na ang sumailalim sa pagsusuri ng PNP Crime Laboratory.
Pero sa 45 na bangkay na nakuha sa Marawi City, wala pang may tumutugma sa DNA test sa mga bakwit sa Marawi na nawawalan ng mga kaanak.
Nakaimbak aniya sa PNP Crime Lab sa Kampo Crame ang post mortem sa mga bangkay maging ang ante mortem sa mga bakwit sa Marawi City na naghahanap pa ng kanilang mga kaanak.
Aminado si Bergonio na nahirapan ang kanilang hanay sa pagsusuri sa mga bangkay lalo’t karamihan ay mga buto na lamang ang kanilang narekober.