45 COVID beds, idinagdag ng pamahalaan sa Eva Macapagal Super Terminal Isolation Facility sa Maynila

Photo Courtesy: Office of the Presidential Spokesperson Facebook Page

Nagtulong-tulong ang Philippine Ports Authority, Office of the Civil Defense, Department of Health (DOH) at Department of Transportation (DOTR) para palawakin pa ang Eva Macapagal Super Terminal Isolation Facility sa Port Area, Manila.

Ito ay bilang step down para sa mild at asymtomatic COVID patients.

Ang 45 na mga kama ay bukod pa sa naunang 180 COVID beds na ginagamit ng mga umuuwing seafarers simula pa noong nakaraang taon.


Ayon kay DOH Sec. Francisco Duque, malaki ang maitutulong ng pasilidad para malabanan ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang mga tauhan naman ng Philippine Coast Guard (PCG) ang siyang mangangasiwa sa isolation facility.

Facebook Comments