
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na inalis na ng board of directors ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang 45-day benefit limit.
Ito ay upang mas mapabuti pa ang serbisyo ng state health insurer alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay PhilHealth president at CEO Edwin Mercado, hindi na napapanahon ang ganitong cost-containment strategy.
Bagama’t naiintindihan daw nila kung bakit ito inilagay noon ay kailangan nang repormahin ang polisiya.
Para maging epektibo, tiniyak ng PhilHealth na babantayang mabuti ang patient admissions, readmissions at benefit utilization na lalagpas sa 45 araw.
Nauna nang pinalawig ng PhilHealth ang session na saklaw sa hemodialysis packages na 156 sessions mula sa dating 90 lamang.