45 estudyante na stranded sa Boracay, naiuwi na sa kani-kanilang mga komunidad ayon sa CHED

Naiuwi na ng Commission on Higher Education at ng Department of Tourism ang nasa apatnapu’t limang estudyante na na-stranded sa Boracay dahil sa Enhanced Community Quarantine.

Ito ay mula sa kabuuang 64 na mga estudyante na naipit dahil sa ECQ.

45 muna ang napasama sa sweeper flights na inorganisa ng Tourism Department.


Kabilang sa mga nakauwi na ay ang:

  • 28 na estudyante mula sa Nueva Ecija University of Science & Technology
  • 7 mula sa Lorma Colleges, La Union
  • 6 mula sa Nueva Vizcaya State University
  • 4 mula sa Benguet State University

Mananatili muna sa Boracay ang lima mula sa

Saint Joseph College of Maasin, Leyte; tatlo mula sa   University of Mindanao; pito mula sa  Colegio de Kidapawan;apat mula sa  STI College Cotabato

Ito ay habang inaantay  ang pagbubukas ng flight sa kanilang probinsiya at inihahanda  ang proseso ng kanilang pagbabalik sa kani-nilang mga lokalidad

Facebook Comments