Cauayan City, Isabela- Nagpositibo sa COVID-19 ang apatnapu’t limang (45) katao mula sa iba’t-ibang bayan sa Lalawigan ng Isabela.
Mula sa 45 new COVID-19 cases sa Isabela, labing siyam (19) ang naitala sa bayan ng Gamu, apat (4) sa Lungsod ng Cauayan, pito (7) sa City of Ilagan, apat (4) sa Santiago City, lima (5) sa bayan ng Roxas, dalawa (2) sa bayan ng San Pablo at tig-isa (1) sa mga bayan ng Naguilian, San Mariano, Aurora at Cabagan.
Kasabay ng pagkakatala ng bagong positibong kaso, nakarekober naman sa sakit ang anim (6) na nagpositibo.
Mayroon namang 187 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Isabela.
Mula sa 187 total active cases, lima (5) ay mga Returning Overseas Filipino (ROFs), dalawampu (20) na Non-Authorized Persons Outside Residence o Non-APOR, labing pito (17) na Health Worker, anim (6) na pulis at 139 na local transmission.