45 MAGSASAKA AT MANGINGISDA SA SAN FERNANDO, LA UNION, SINANAY SA CASSAVA PRODUCTION AT PROCESSING

Lubos na nagpapasalamat ang 45 magsasaka at mangingisda sa San Fernando, La Union matapos silang sumailalim sa pagsasanay sa cassava production at processing bilang dagdag na kabuhayan.
Sa pamamagitan ng Office of the City Agriculturist katuwang ang Don Mariano Marcos Memorial State University, natutunan ng mga kalahok ang land preparation, pest control, post-harvest techniques, at paggawa ng value-added cassava products gaya ng chips, cake, at rolls.
Kasabay nito, tumanggap din sila ng livelihood start-up kits na kinabibilangan ng cassava stem cuttings at packaging materials upang agad na maisabuhay ang kanilang natutunan.
Layunin ng programa na palakasin ang food security, dagdagan ang kita, at gawing cassava ang karagdagang bagong pag-asa ng kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda ng San Fernando. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments