45 na eskwelahan, napinsala ng Bagyong Carina –DepEd

Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na 45 eskwelahan ang napinsala ng Bagyong Carina.

Ito ay mula sa walong rehiyon na kinabibilangan ng CAR, Region 1, Region 2, Region 3, Region 4-A, Region 4-B, Region 6, at Region 8.

Ayon sa DepEd, umaabot ang halaga ng pinsala ng bagyo sa 308.50 million.


21 naman aniyang mga paaralan ang ginagamit ngayon na evacuation centers.

Ito ay mula sa NCR o Metro Manila at Region IV-A.

Facebook Comments