45 pasahero sugatan matapos madisgrasya ng sinasakyang bus sa Benguet

Sugatan ang 45 pasahero ng bus matapos madisgrasya sa Atok Benguet kahapon ng hapon.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col Bernard Banac bumabyahe sa Atok Benguet ang passenger bus na pagaari ng Rising Sun Bus company na may Plate number WZO -568 na minamaneho ng isang Regan Ginoban.

Pagsapit  Km 25 Caliking nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber ng pampasaherung bus.


Sumalpok sila sa poste ng kuryente sa tabi ng daan dahilan para masugatan ang mga pasahero na agad isinugod sa Benguet General Hospital.

Maswerteng walang nasawi sa aksidente.

Paalala naman ni Banac sa mga motorista lalo na sa mga drayber tiyaking maayos ang sasakyan at sarili bago bumyahe.

Mula April 5, 2019 nakapagtala na ang PNP ng 16 na vehicular accidents, 156 katao sugatan.

Facebook Comments