Halos kalahati lang o 45 percent lang ng mga Pinoy ang positibo na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na taon.
Ito ang lumabas sa latest survey ng Social Weather Stations na isinagawa noong Setyembre bente nuwebe hanggang Oktubre a-dos.
Sa nasabing survey, 39-percent ang naniniwala na gaganda ang pamumuhay nila sa 2023, apat na porsyento ang nagsabing inaasahang nilang lalala at 12-percent ang hindi nagbigay ng sagot.
Ayon sa SWS, ito ay katumbas ng 40 na net optimism score na itinuturing na “excellent”.
Ito ay kahit pa mababa ng dalawang puntos na naitala noong June 2022.
Ang survey ay isinagawa sa 1,500 respondents na may sampling error margins na plus-negative (±) 2.5% para sa national percentages, plus-negative 5.7% sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao, at plus-negative 4.0% sa Balance Luzon.