CAUAYAN CITY – Ipinagkaloob ng Victory Liner Inc. ang 45-seater bus sa Lungsod ng Tabuk, Kalinga.
Sa mensahe ni Field Operations Officer ng Victory Liner na si Rafael De Jesus, nakikita umano nila ang pangangailangan ng shuttle service para sa mga empleyado ng City Local Government Unit – Tabuk.
Samantala, tinutukan ng mga technician ng nabanggit na kumpanya ang mga city drivers kung paano ang pamamahala sa mga bus, maging ang pagkukumpuni at pagpapanatili ng kaayusan nito.
Ang nasabing donasyon na mga 45-seater bus ay matapos ang hiling ni Mayor Darwin C. Estrañero.
Facebook Comments