Umabot sa 453 job seekers ang lumahok sa kauna-unahang job fair ng lokal na pamahalaan ngayong 2026 na ginanap sa Dagupan City.
Bitbit ang kanilang mga resume, sumabak ang mga aplikante sa iba’t ibang bakanteng posisyon na inalok ng 15 lokal na kumpanya at isang overseas recruitment agency, kabilang ang mga trabaho sa tech industry at mga oportunidad sa ibang bansa, sa pakikipagtulungan ng Infotech.
Naging katuwang sa aktibidad ang Public Employment Service Office (PESO) upang tiyakin ang maayos na daloy ng aplikasyon at pagproseso ng mga dokumento ng mga naghahanap ng trabaho.
Layunin ng job fair na mabigyan ng agarang oportunidad sa trabaho ang mga Dagupeño at makatulong sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya sa pagsisimula ng taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










