453 lugar sa Pangasinan planong lagyan ng Free Wifi

Dagupan City – Target ngayon ng Department of Information and Communication Technology (DICT) na lagyan ng free wifi ang nasa 453 na pampublikong lugar sa ibat-ibang parte ng Pangasinan. Parte ito sa kampanya ng gobyerno na gawing konektado ang bawat mamamayan sa internet lalo na ang mga nasa malalayong lugar na hindi ganoon kalakas ang internet connection.

Ayon pa sa ahensya ang mga lugar na lalagyan ng free wifi sa 48 na municipalities at cities sa lalawigan ay ang ilang mga public schools, state universities & colleges, public plaza, at public libraries. Pangunahing layunin nito na tulungan ang mga estudyante pagdating sa kanilang mga aralin.

Sa ekslusibong panayam ng ifm dagupan kay Engr. Conrado Castro Jr. ang Provincial Officer ng Department of Information and Communication Technology Pangasinan sinabi nito na on-going ang pagsasapinal ng kanilang ahensya para sa magiging contractors at partners sa nasabing proyekto. Sa ngayon ay mayroon ng 42 public wifi sites sa buong lalawigan at karamihan dito ay matatagputan sa Central Pangasinan.


Sa ngayon on-going din ang kanilang proyekto sa digital literacy kung saan ay nagtuturo sila sa mga gustong matuto mula basic na paggamit ng microsoft office hanggang sa usapin ng cyber security. Gayundin ang pagti-train nila ng mga pangasinense katuwang ang mga lokal na pamahalan sa lalawigan sa pamamagitan ng proyektong Digital Jobs PH na maaaring makapagbigay ng karagdagang trabaho.

Facebook Comments