*Cauayan City, Isabela- N*agtapos na sa pagsasanay ngayong araw ng Miyerkules, Hulyo 08, 2020 ang kabuuang 456 na mga bagong sundalo ng 5th Infantry Division Philippine Army sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Army Major Noriel Tayaban, pinuno ng Division Public Affairs Office (DPAO), nagsimula ang graduation ceremony ng Candidate Soldier Class 628, 629 at 630 CY 2020 kaninang alas 9:00 ng umaga.
Gayunman, ipinapaabot ng pamunuan ng 5ID sa pamumuno ni Maj. General Pablo Lorenzo sa mga magulang, kaanak, at sa mga kaibigan ang pang-unawa at pasensya dahil mahigpit na ipagbabawal ang bisita para sa nasabing seremonya.
Dahil na rin ito sa pinaiiral na protocol ng pamunuan para makaiwas sa pagkalat ng sakit na COVID-19 at maprotektahan ang kapakanan ng bawat isa.
Ito lamang din aniya ang kauna-unahang graduation ng mga bagong sundalo na walang mga bisita dahil sa mga sinusunod na protocols bunsod ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.
*Nagpaabot naman ng pagbati ang buong pamunuan ng 5ID sa mga bagong sundalo maging sa kanilang mga magulang, pamilya, at kaanak. *
*Ayon kay Maj. Tayaban, nasa bilang na *480 ang nanumpa noong buwan ng Pebrero subalit habang nasa kalagitnaan ng pagsasanay ay may mga nag-quit at nag resign dahil hindi nakayanan ang training.
*Pinakamarami sa mga magtatapos ay mga galing sa probinsya ng Isabela na mayroong 137 sumunod ang Kalinga na may 124, ang Cagayan na may 87 habang ang iba ay mula sa region CAR at sa iba pang rehiyon.*
*Sinabi ng DPAO Chief na hindi na maaaring mag-apply o makapasok sa Philippine Army ang mga sumuko sa training.*
*Itatalaga sa iba’t-ibang yunit ng 5th ID ang mga bagong sundalo pagkatapos ng kanilang 45 days na karagdagang pagsasanay.*
*tAGS: 98.5 IFM CAUAYAN, IFM CAUAYAN, cauayan city, isabvela, luzon, 5th id, major noriel tayaban, *Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela