46.1-M indibidwal sa bansa, kwalipikado para sa booster dose kontra COVID -19

Kinumpirma ng National Vaccination Operations Center (NVOC) na 46.1-million na mga indibidwal sa bansa ang maaaring tumanggap ng booster dose kontra COVID-19.

Ayon sa NVOC, 12-M na booster doses ng bakuna ang naiturok na sa targeted population.

Ito ay katumbas ng 12% na naturukan ng booster shot.


Muli namang nanawagan sa publiko ang NVOC at Department of Health (DOH) na samantalahin na ang panahon para sa booster doses upang mapalakas ang proteksyon kontra COVID-19.

Una nang inihayag ni Health Sec. Francisco Duque III na mapapanatili ang mababang ang bilang ng mga na-i-infect ng virus kapag dumami ang magpa-booster shot, bukod sa pananatili sa pagsunod sa minimum health protocols.

Facebook Comments