Tiniyak ng Marcos administration na patuloy na gagawa ng mga hakbang para makapagbigay ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino.
Ito ay sa harap nang patuloy na epekto ng COVID-19 pandemic sa mga Pilipino, partikular ang pagkawala ng trabaho at income ng mga Pilipino.
Ayon kay Office of the Press Secretary (OPS) Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Cheloy Garafil, na sa kabila nang epekto ng pandemya ay mayroong 46.3 milyong Pilipino na nagkaroon ng trabaho.
Ito ay mula noong Enero hanggang Oktubre taong kasalukuyan, batay ito sa year-end report ng admnistrasyong Marcos.
Samantala, batay naman sa accomplishment report for 2022 ng Department of Labor and Employment o DOLE mula rin January hanggang October 2022 ay tumaas ang employment market na aabot sa 58.5 percent o 27.12 milyon ang nagkatrabaho.
Para naman mas tumaas pa ang bilang ng mga Filipino workers ay ipinatupad na rin ng DOLE ang modern technical and vocational training kasama ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).